PAALALA UKOL SA OWWA MEMBERSHIP REGISTRATION/RENEWAL
Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais magregister pasa sa OWWA membership, mangyaring ipadala ang MALINAW na scanned copy ng mga sumusunod na dokumento sa owwamemb@gmail.com:
- Filled in OFW INFORMATION SHEET (CLEAR) na pirmado ng worker (kumpletuhin ang fill-up kasama ang contract details gaya ng BUONG PANGALAN ng employer at address nito);
- AKAP applicants: Application for OWWA Membership And/Or DOLE-AKAP na pirmado ng inyong employer at iba pang katunayan ng empleyo tulad ng EMPLOYMENT CONTRACT, WORK PERMIT O PAYSLIP, kung mayroon. Kung hindi makapagpapirma sa employer, kopya ng latest remittance receipt sa inyong dependent sa Pilipinas;
Non-AKAP applicants : Kopya ng contrata or iba pang proof of income
- Valid Philippine passport (CLEAR copy)
- Magbayad lamang ng membership fee kapag nakumpleto na ang nasabing requirements mula sa itaas (items 1 to 3).
Sa pagbabayad, gawing individual (hindi grupo), para sa pagbibigay ng resibo sa bawat nagbayad na miyembro.
- Padala sa email ang katunayan ng bank transfer o remittance ng membership fee ng halagang 20.70 euros ngayong buwan ng MARSO 2021 (maaring magpalit ang halaga sa buwan ng Abril at kada buwan, depende sa palitan ng USD at Euro) net of bank/remittance charges. ISULAT SA BANK TRANSFER ANG BUONG PANGALAN NG MIYEMBRO AT HALAGANG BINAYAD bilang reference sa pagbabayad, gaya ng sample sa ibaba:
Reference sample : OWWA– SURNAME, FIRST NAME (20.70 euros)
Maraming salamat po.
Philippine Overseas Labor Office (POLO) – Berlin
1 March 2021