PAALALA UKOL SA OWWA MEMBERSHIP RENEWAL
Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na dati nang miyembro ng OWWA subalit nag-expire na ang kanilang OWWA membership, maari po kayong mag-renew nito.
Mangyaring ipadala ang scanned copy o photo ng mga sumusunod na dokumento sa owwamemb@gmail.com:
1. Filled in OFW Info Sheet na pirmado ng worker;
2. Application for OWWA Membership And/Or DOLE-AKAP na pirmado ng inyong employer at iba pang katunayan ng empleyo tulad ng employment contract, work permit o payslip, kung mayroon;
3. Valid passport; at
4. Katunayan ng bank transfer o remittance ng membership fee ng halagang 22.60 euros (Maaring magpalit ang halaga sa buwan ng Mayo at kada buwan, depende sa palitan ng USD at Euro) net of bank/remittance charges.
Para sa mga OFWs na first time magpaparehistro sa OWWA, paki-antabayanan po ang susunod naming pahayag.
Maraming salamat po.
Philippine Overseas Labor Office (POLO) – Berlin
18 April 2020
Attachments: